Eraserheads Tuwing Umuulan at Kapiling Ka Lyrics

Pagmasdan ang ulan
Unti-unting pumapatak sa mga halaman at mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim
Unti-unting bumabalot sa buong paligid ay umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang yong ganda
Kasabay ng hangining kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa
Hanggang ang langit ay tumila na?
chorus:
Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab
pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila
Ikaw rin magpapaalam na
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?
chorus2:
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag ng tumigil pa
Hatid mo may bagyo dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Maari bang minsan pa
Mahagkan ka't maiduyan ka
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi?
chorus till fade
carlo-lec

Artists A to Z: