TAGUMPAY NATING LAHAT Lyrics - Lea Salonga

Review The Song (0)



(Gary Granada)

Ako'y anak ng lupang hinirang
Kung saan matatagpuan
Ang timyas ng perlas ng Silangan
Nagniningning sa buong kapuluan

Taglay ko ang hiwaga ng Silangan
At saan mang bayan o lungsod
Maging Timog, Hilaga at Kanluran
Ang Pilipino ay namumukod

Refrain:
Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
sponsored links
Hangad ko'y tagumpay nating lahat

Ako ay may isang munting pangarap
Sa aking dakilang lupain
At sa sama-sama nating pagsisikap
Sama-sama ring mararating

Ang iba't ibang galaw, iisang patutunguhan
Dito isang araw, isang kapuluan

Sama-sama nating abutin
Pinakamatayog na bituin
At ang aking tagumpay
Tagumpay ng aking lahi
Tagumpay ng aking lipi
Ang tanging minimithi at hinahangad
Hangad ko'y tagumpay nating lahat
Hangad ko'y tagumpay nating lahat



Click here to submit the Corrections of TAGUMPAY NATING LAHAT Lyrics

The following area is only for review, if you want to submit the lyrics or the corrections of the lyrics, please click the link at the end of TAGUMPAY NATING LAHAT Lyrics.
Your Name:
(Important: Your name will be published if you input it)

Review for TAGUMPAY NATING LAHAT Lyrics
------ Performed by Lea Salonga

Please enter a title for your review:

------ 10/24/2014

Type your review in the space below: