Abrakadabra Lyrics - Abra


Review The Song (0)



Heto na pala ang pinakahihintay nyong lahat

Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?
Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay
Pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay
na makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?

Ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang
Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang
Puro isip bata at yan ang patunay na magulang
ang makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?

Ako si Abra, kadabra, handa ka na ba pre?
Wala akong paki kung hindi, wag kang maarte
Makinig ka na lang sa mga kataga na medyo mabangis
Sobrang bukambibig na parang presyo ng langis
Ang sadistang rapista artista na boy
Kaya hasta la vista sa rap na baduy
Istupidong pag-ibig sa mga kanta ng unggoy
sponsored links
Walang kawala na para bang nasalanta ng Ondoy

Ako ang nabuwang na mukhang mabait
Maluwang ang damit at lubhang masakit
Ang mga salita ko pangdalubhasang galit
Eh yung sayo naman parang nagmula lang sa pwet
“Walang class” Talaga?
“Ang baduy” Mas desente ka?
Kung ayaw mo kanta ko sana lang maaksidente ka
Mahulog sa hagdanan, malunod at makuryente ka
Tagalog o Ingles sakin magkakaleche leche ka!

Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)
At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)

Hindi ko kayang kumuha ng kuneho saking sumbrero pero
Kaya kong kumain ng ispada na merong yero
Hindi ito stirero, ako paminsan ay umuupo sa dingding o kaya tulog sa kisame
“Idol, naniniwala po ako na totoo”
Problema ng Pinas marami nang mga uto-uto, punong-puno!
Kung kaya’t dugo ko at kumukulo
Oh Diyos ko po! Alam ko na hindi mo rin ginusto to

Kaya biyaya mong handog, gagamitin ko
At kahit may pagkahambog, sasabihin ko
Na ako mismo humahanga din sa lyrics ko
Minsan nakikipag apir ako sa sarili ko (high five!)
Imposible parang nagka-utang sa pulis
Nakakapagpabagabag na parang kubang nabuntis
Nakakamangha talaga ang aking mga salamangka
na nagpasok kay Aladdin at Genie sa isang lampara

Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)
At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)

Kung sakali lang na di mo maintindihan
Baka masyado nang makitid at barado na ng litid
ang iyong kaisipan
Kung di mo trip ang mga hirit na nanggaling saking isip
wag mong pakikinggan
At basta wag mo lang idamay ang ama at ang ina mo
sa iyong kapintasan

Baluktot na ang industriya at para ating maituwid
Itigil na ang SpongeKumag, FemHale, at CueShet!
Mga bandang nakapalda banda rito banda roon
At mga kritikong di naman talaga matalino, bat ganon?

Bat Girl (Pweh) Nakakasilaw, ang galing daw
Di marunong kumanta pero sikat parin, wow
Di marunong sumayaw at ang mas masaklap
Di marunong mag-rap parang de ap na may mansanas sa harap

Ako ang tinagurian na isa sa mga pinakamalupit
Ang makatang hibang na binabalak ulit
Na muling ibalik ang tinaga at punit
Na karangalan ng aming larangang inakalang nasa ataul
Hip-hop, mahal kita kaya kita ipinagtatanggol

Ang musika parang babaeng napusuan ko
Kaakit-akit kung makahimas kaya nga ang tigas ng ulo ko
At aking nilabas ang kanta kahit may butas to
Para makabunga ng mas marami pang katulad ko

Di kapanipaniwala, ito ang kanta na nagsisilbing paalala
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)
At talagang mahiwaga, sabihin sa pamilya at mga kabarkada
Na di lahat ng rap ay nakakawalang gana
Sumama na kayong lahat sa Abrakadabra (Abrakadabra)

Handa ka na bang marinig ang pinakamahusay?
Pinakawalan ng impyerno dahil tinanggal ang sungay
Pinagkamalan na rebelde pero tinanghal na tunay
na makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?

Ang eksperto sa paggamit ng tayutay na magulang
Mga bobo kailangan ng patnubay ng magulang
Puro isip bata at yan ang patunay na magulang
ang makatang hibang, sino ba kasi ‘yan?

Ako si Abra! Ah [9x] Abrakadabra!
Oh, now you know


Please Click here to submit the Corrections of Abrakadabra Lyrics

Please Click Here to Print Abrakadabra Lyrics

The following area is only for review, if you want to submit the lyrics or the corrections of the lyrics, please click the link at the end of Abrakadabra Lyrics.
Your Name:
Your Email:
(Important: Your name and email will be published if you input them)

Review for Abrakadabra Lyrics
------ Performed by Abra

Please enter a title for your review:

------ 08/21/2014

Type your review in the space below: